Posts

Showing posts from April, 2020

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

Image
      12 DIYOS  AT MGA PANGUNAHING BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO     Ang mga Griyego ay maraming mga diyos at maraming mga kuwento at mitolohiya na nakapaligid sa kanila.    Ang MITOLOHIYANG GRIYEGO ay koleksyon ng mga kuwento na may kinalaman ang mga diyos, diyosa, at mga bayani. Ito rin ang relihiyon ng Sinaunang Gresya pagkat ang mga Griyego ay nagtayo ng mga templo at naghandog ng mga sakripisyo sa kanilang mga pangunahing diyos.   Narito ang ilan sa mga pangunahing Greek Gods:   Ang mga Titano Ang mga Titano ang una o nakatatandang diyos. May labindalawa sa mga ito kasama ang mga magulang nina Zeus, Cronus at Rhea.   Namahala sila sa tinatawag na golden age. Napabagsak sila ng kanilang mga anak na pinangunahan ni Zeus.   Ang mga Olimpyan Ang labindalawang diyos ng Olympian ay ang pangunahing mga diyos ng mga Griyego at nanirahan sa bundok ng Olympus. Sila ang mga sumusunod: Zeus    Pinuno ng mga taga-Olympia at diyos ng langit at kidlat. Ang ka