ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.
ACHILLES Si Achilles ay isa sa mga pinakadakilang mandirigma at bayani sa Mitolohiyang Griyego. Siya ay isang pangunahing karakter sa Iliad ni Homer kung saan siya ay nakipaglaban sa Digmaang Trojan laban sa lungsod ng Troy. Ang ama ni Achilles ay si Peleus, hari ng Myrmidons, at ang kanyang ina ay si Thetis, isang dyosa ng dagat. Matapos ipanganak si Achilles, nais ng kanyang ina na protektahan siya mula sa mga mapaminsala. Kaya’t hinawakan nya si Achiles sa sakong at inilubog sa ilog Styx. Sa Greek Mythology, ang ilog Styx ay matatagpuan sa Underworld at may mga espesyal na kapangyarihan. Si Achilles ay laging hindi nasasaktan kahit saang bagay maliban sa kanyang sakong kung saan sya hinawakan ng kanyang ina. Dahil si Achilles ay isang kalahating diyos, napakalakas niya kaya sa madaling panahon ay naging isang mahusay na mandirigma. Gayunpaman, siya ay kalahating tao at hindi imortal tulad ng kanyang ina. Tatanda rin siya at mamamatay balang araw at maaari rin siyang mapatay.