HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI
Si Hercules ay ang pinakadakila sa mga griyegong bayani. Sikat siya sa kanyang hindi kapani-paniwalang lakas, tapang, at katalinuhan.
Ang Hercules talaga ay kanyang Roman name. Tinawag siya ng mga Griyego na Heracles.
Si Hercules ay isang demigod. Nangangahulugan ito na siya ay kalahating diyos, kalahating tao.
Ang kanyang ama ay si Zeus, hari ng mga diyos, at ang kanyang ina ay si Alcmene, isang magandang prinsesa. Kahit no'ng sanggol pa lamang siya, si Hercules ay napakalakas na.
Nang malaman ng diyosang si Hera, asawa ni Zeus tungkol kay Hercules, nais niyang patayin ito. Nilagyan niya ng dalawang malalaking ahas ang kanyang tulugan. Gayunpaman, hinawakan ng sanggol na si Hercules ang mga ahas sa leeg at hinampas ito ng kanyang mga na kamay.
Lumipas ang ilang taon, si Hercules ay sinubukang palakihin ng kanyang ina tulad ng isang regular na bata. Nag-aaral siya sa paaralan tulad ng mga batang mortal, nag-aral siya ng matematika, pagbabasa, at pagsulat. Gayunpaman, isang araw ay nagalit siya at tinamaan sa ulo ang kanyang guro gamit ang kanyang alpa at napatay niya ito ng hindi sinasadya.
Si Hercules ay tumira sa mga burol kung saan nagtatrabaho siya bilang isang tagapastol ng baka. Naging masaya siya. Isang araw, nang si Hercules ay labing walong taong gulang, isang napakalaking leon ang sumalakay sa kanyang pastulan. Pinatay ni Hercules ang leon gamit ang kanyang mga kamay.
Nagpakasal si Hercules sa isang prinsesa na nagngangalang Megara. Nagkaroon sila ng isang pamilya at nabuhay ng masaya. Ikinagalit ito ng diyosang si Hera. Nilinlang niya si Hercules sa pag-iisip na ang kanyang pamilya ay bungkos ng mga ahas. Pinatay ni Hercules ang mga ahas. Huli nang mapagtanto niya na ang mga ito pala ay kanyang asawa at mga anak.
Malungkot siya at palaisipan pa rin sa kanya ang nangyaring pagkakasala. Nais ni Hercules na kalimutan ang kanyang pagkakasala. Nagpunta siya sa Oracle of Delphi upang makakuha ng payo. Sinabi ng Oracle kay Hercules na dapat siyang maglingkod kay Haring Eurystheus sa loob ng sampung taon at gawin ang anumang gawain na hihilingin ng hari sa kanya. Kung gagawin niya ang mg ito, siya ay mapapatawad at hindi na siya makakaramdam ng pagkakasala.
Ang mga gawain na ibinigay sa kanya ng hari ay tinawag na twelve Labors of Hercules. Ang bawat isa sa twelve labors of Hercules ay isang kuwento ng kanyang pakikipagsapalaran. Ayaw ng hari si Hercules at nais niya itong mabigo.
Sa bawat oras na gawin ni Hercules ang mga pinapagawa sa kanya ay pahirap ng pahirap. Ang panghuling pinagawa sa kanya ay pati ang paglalakbay sa impyerno at dalhin ang mababangis na tatlong-ulong Cerberus.
Hindi lamang ginamit ni Hercules ang kanyang lakas at katapangan upang maisakatuparan ang labindalawang paggawa, ngunit ginamit din niya ang kanyang katalinuhan. Halimbawa, ang pagnanakaw ng mga mansanas mula sa Hesperides, ang mga anak na babae ni Atlas. Kakausapin niya si Atlas upang makuha ang mga mansanas para sa kanya. Pumayag naman si Atlas na hawakan ni Hercules ang mundo habang kinukuha niya ang mansanas.
Ang isa pang halimbawa ng paggamit ng katalinuhan si Hercules ay kapag pinaglilinis siya ng mga kuwadra ng Augean ng isang araw. Mayroong higit sa tatlong libong mga baka sa kuwadra. Walang paraan na malinis niya ang mga ito sa isang araw. Kaya nagtayo si Hercules ng dam, nakagawa ito ng isang ilog na dumadaloy sa mga kuwadra. Nalinis nya lahat ng wala pang isang oras.
Nagpunta si Hercules sa maraming iba pang mga pakikipagsapalaran sa buong mitolohiyang griyego. Siya ay isang bayani na tumulong sa mga tao at nakipaglaban sa mga halimaw. Patuloy siyang nakikipaglaban sa diyosang si Hera na sinisikap syang linlangin at bigyan ng problema.
Sa huli, namatay si Hercules nang malinlang siya ng kanyang asawa, nilason siya nito. Gayunpaman, nai-salba siya ni Zeus. Ang kanyang immortal na kalahati ay nagtungo sa Olympus upang maging isang diyos.
Comments
Post a Comment