Posts

Showing posts with the label diyosngdagat

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

Image
POSEIDON Si Poseidon, ang panginoon at diyos ng karagatan ay isa sa pinakatanyag at iginagalang na diyos na Olympian.  Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno Sa pamamagitan ng loterya, ibinigay kay Poseidon ang pamamahala sa karagatan na dati ay kontrolado ng mga sinaunang diyos na sina Nereus at Oceanus. Kahit na siya ay may isang puwesto sa Olympian Council of Gods, mas  ginusto ni Poseidon manirahan sa kanyang kaharian sa karagatan. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Ang diyos ng karagatan ay mayroong kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. M ayroon siyang isang ginintuang karong pandigma na hinihila ng mga nakakamanghang mga hayop pandagat. Sa likuran niya ay may mahabang  prusisyon ng mga nilalang sa dagat at sakop din niya ang ilang diyos dito.  Siya rin ang panginoon ng mga