POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN
POSEIDON
Si Poseidon, ang panginoon at diyos ng karagatan ay isa sa pinakatanyag at iginagalang na diyos na Olympian. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno
Sa pamamagitan ng loterya, ibinigay kay Poseidon ang pamamahala sa karagatan na dati ay kontrolado ng mga sinaunang diyos na sina Nereus at Oceanus.
Kahit na siya ay may isang puwesto sa Olympian Council of Gods, mas ginusto ni Poseidon manirahan sa kanyang kaharian sa karagatan.
Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan.
Ang diyos ng karagatan ay mayroong kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. Mayroon siyang isang ginintuang karong pandigma na hinihila ng mga nakakamanghang mga hayop pandagat.
Sa likuran niya ay may mahabang prusisyon ng mga nilalang sa dagat at sakop din niya ang ilang diyos dito. Siya rin ang panginoon ng mga lindol at madalas na nanginginig ang lupa kapag ang diyos ay may matinding galit.
Samakatuwid, kahit na malayo sa dagat, ang mga lungsod sa Gresya ay hindi ligtas mula sa impluwensya ni Poseidon. Hindi sila makaiwas sa mga lindol, at matinding tagtuyot.
Ang diyos ng karagatan ay medyo sumpungin. Samakatuwid ang mga nakadepende sa dagat para sa kanilang kabuhayan tulad ng mga mandaragat at mga mangingisda ay nag-aalay kay Poseidon ng maraming bagay at mga sakripisyo upang sila ay makapaglayag, makapangisda at makabalik ng ligtas sa kanilang mga pamilya.
Pero lahat ng kanilang mga sakripisyo at alay ay laging walang silbi kapag ang diyos ay sinumpong at galit na galit. Lahat ng mga mangahas na pumasok sa kanyang teritoryo habang siya ay nakakaranas ng isang walang gaanong kapararakan ay nanganganib na lamunin ng dagat.
Habang tinitingnan ni Zeus ang karupukan ng kanyang kapatid, ito’y nagiging hadlang sa natural na ayos ng mga bagay, napagpasyahan nya na kailangan na mag-asawa ni Poseidon.
Si Poseidon ay nakisama sa isang Nereid na si Amphitrite na siyang magiging reyna ng mga dagat. Ang pagkamit sa kanyang asawa ay hindi madali ngunit ng dahil sa hindi mababayarang tulong mula sa isang dolphin na si Delphinus nahikayat si Amphitrite na pakasalan si Poseidon. Si Triton ang kanilang naging anak at tagapagmana.
Katulad ni Zeus, si Poseidon din ay maraming naging babae at asawa. Pero si Amphitrite kahit na nagseselos ay hindi ito mapanghiganti na gaya ni Hera, asawa ni Zeus.
Hindi lamang si Triton ang anak ni Poseidon. May mga anak din siyang kapuri-puri kay Medusa, si Pegasus at ang higanteng Chrysaor.
Ang diyos ding ito ang nagbigay ng bagong lahi ng mga Cyclops kasama ang sikat na si Polyphemus na ang mata ay tinusok ni Odysseus.
Kilala rin si Poseidon na may alitan sila ng kanyang pamangking diyosa na si Athena. Ang mga hidwaan sa pagitan ng diyos at diyosa ay mas lumaki pa dahil sa pagtatalo sa pagitan ni Athena at Poseidon kung sino ang maging diyos sa capital of the region of Attica.
Si Athena ang nagwagi, isang desisyon na ginawa ng mga diyos. Ang siyudad na ito ay naging kilala sa pangalan na Athens.
Sa ibang yugto, hinalay ni Poseidon si Medusa sa loob ng templo ni Athena. Ang dalagang si Medusa ay isa sa mga priestess ng templo at naparusahan dahil namantsahan niya ang banal na templo.
Si Medusa ay minsan isang magandang dalaga na nagbago at naging isang nilalang na kilala natin ngayon.
May malaking papel si Poseidon sa paghihimagsik laban kay Zeus, silang dalawa ni Apollo ikinulong nila ang dakilang diyos. Hindi sila nagtagumpay at pareho silang pinarusahan.
Isang importanteng kaalaman, may mga ulat ng pagkakaroon ng isang malaking tanso ni Colossus bilang pagparangal sa panginoon ng dagat.
Sa panahong ito si Poseidon ay hindi man gaya noon na iginagalang pero hindi maikakaila na isa siya sa mga kilalang diyos sa Mitolohiyang Gresya.
Sino ang sumulat nito?
ReplyDeleteSino ang may akda?
ReplyDeleteFrom Philipppines
ReplyDeletebakit mo nagustuhan si poseidon
ReplyDelete