Posts

Showing posts with the label eris

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI

Image
ERIS Si Eris ay isang diyosa na may makapaminsalang pag-uugali at dahil dito siya ay kilala bilang diyosa ng sigalot at pighati. Mayroong dalawang bersyon tungkol sa kung sino ang kanyang mga magulang. Ayon kay Hesiod, s i Eris ay anak na babae ni Nyx, ang diyosa ng gabi. Si Homer, sa kabilang banda, nagsasabi na ang diyosa ay anak na babae ng mag-asawang  sina Zeus at Hera ng Olympus. At, samakatuwid, siya ay kapatid na babae ni Ares, ang diyos ng digmaan. Ang diyosa ay nasisiyahan kapag nagkakagulo ang mga tao at mga diyos. Hindi inanyayahan si Eris sa party ng kasal ni Peleus, ama ni Achilles, kasama si Thetis, isang diyos ng dagat. Maraming mga diyos at diyosa ang naroroon. At, kahit na hindi inanyayahan, nagpasya si Eris na makidalo. Ang may pakpak na diyosa na ito ay lumipad sa mesa na kung saan ang mga diyos ay nagsasalo-salo.  Nagbagsak siya ng isang gintong mansanas na may mga sumusunod na inskripsyong, “Para sa pinakamaganda.” Si Athen