ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI


ERIS


Si Eris ay isang diyosa na may makapaminsalang pag-uugali at dahil dito siya ay kilala bilang diyosa ng sigalot at pighati.

Mayroong dalawang bersyon tungkol sa kung sino ang kanyang mga magulang. Ayon kay Hesiod, si Eris ay anak na babae ni Nyx, ang diyosa ng gabi.

Si Homer, sa kabilang banda, nagsasabi na ang diyosa ay anak na babae ng mag-asawang sina Zeus at Hera ng Olympus.

At, samakatuwid, siya ay kapatid na babae ni Ares, ang diyos ng digmaan.

Ang diyosa ay nasisiyahan kapag nagkakagulo ang mga tao at mga diyos.

Hindi inanyayahan si Eris sa party ng kasal ni Peleus, ama ni Achilles, kasama si Thetis, isang diyos ng dagat.

Maraming mga diyos at diyosa ang naroroon. At, kahit na hindi inanyayahan, nagpasya si Eris na makidalo.

Ang may pakpak na diyosa na ito ay lumipad sa mesa na kung saan ang mga diyos ay nagsasalo-salo. Nagbagsak siya ng isang gintong mansanas na may mga sumusunod na inskripsyong, “Para sa pinakamaganda.”

Si Athena, Hera at Aphrodite ay nakipaglaban para sa mansanas, dahil itinuturing nila ang kanilang mga sarili na pinakamaganda sa lahat.

Napagpasyahan ni Zeus na si Paris, ang pastor ng Trojan, ay kailangang pumili ng pinakamaganda.

Ang kanyang napili ang nag-trigger ng Digmaang Trojan.

Ang mansanas na ito ay naging kilala bilang Apple of Discord.

Nagkaroon ng huwad na relasyon si Eris at ang titanong si Aether. Nagkaroon sila ng mapagpahamak na mga supling.

Ang diyosa ay lumikha ng 14 na mga demonyong espirito na naghahasik ng kasamaan, nais nila pabagsakin ang sangkatauhan tulad ng gutom, sakit, kasinungalingan, poot, at iba pa.

Dahil doon, si Eris ay kilala rin bilang ina ng mga kapighatian.

Kasama ang kanyang mga anak, si Eris ang bumuo ng lupon nila ni Ares.

Naglalakbay ang diyosa sa buong mundo upang matulungan ang kanyang kapatid sa paghahatid ng sigalot sa mga bansa.

Sa paraang ito ay nabibigyan ng kasiyahan ni Ares ang kanyang sarili.

Si Eris, na may napakasamang ugali, ay patuloy na gumagala sa buong mundo upang magdulot ng mga hindi pagkakasundo at pag-aaway sa mga bansa.



Comments

Popular posts from this blog

ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.

HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI

APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS