HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN
HESTIA Si Hestia, ang diyosa ng apoy at protektor ng tahanan. Siya ay anak na babae nina Cronus at Rhea. Si Hestia ay hindi gaanong kilalang diyos sa labindalawang diyos na Olympian. Noong siya’y ipinanganak, nilamon siya ng kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid dahil ang titanong si Cronus ay n atatakot na baka agawin nila ang kapangyarihan nito. Matapos magtagumpay ang mga diyos ng Olympian sa labanan nila ng mga titans, si Hestia ay nagsimulang sambahin bilang protektor na diyosa ng mga tahanan. Ang diyosa ay niligawan nina Apollo at Poseidon ngunit tinanggihan nya silang pareho dahil mayroon siyang panata na kalinisang-puri. Binigyang karangalan ni Zeus ang diyosa at tiniyak na maaari siyang manatiling malinis ng hanggang walang hanggan. Si Hestia ay isang banayad at mabait na diyosa kung k aya’t hindi siya nakisali sa mga matitinding labanan ng mga diyos dahil sa kanyang karakter. Sinasamba ang diyosa ng apoy ng mga tao