HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

HESTIA


Si Hestia, ang diyosa ng apoy at protektor ng tahanan. Siya ay anak na babae nina Cronus at Rhea. 

Si Hestia ay  hindi gaanong kilalang diyos sa labindalawang diyos na Olympian.

Noong siya’y ipinanganak, nilamon siya ng kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid dahil ang titanong si Cronus ay natatakot na baka agawin nila ang kapangyarihan nito.

Matapos magtagumpay ang mga diyos ng Olympian sa labanan nila ng mga titans, si Hestia ay nagsimulang sambahin bilang protektor na diyosa ng mga tahanan.

Ang diyosa ay niligawan nina Apollo at Poseidon ngunit tinanggihan nya silang pareho dahil mayroon siyang panata na kalinisang-puri.

Binigyang karangalan ni Zeus ang diyosa at tiniyak na maaari siyang manatiling malinis ng hanggang walang hanggan.
  
Si Hestia ay isang banayad at mabait na diyosa kung kaya’t hindi siya nakisali sa mga matitinding labanan ng mga diyos dahil sa kanyang karakter.

Sinasamba ang diyosa ng apoy ng mga tao sa pamamagitan ng patuloy na pagsisindi ng ilawan sa kanilang mga tahanan at templo.

Bawat lungsod sa Gresya ay mayroong sagradong ilawang nakatuon sa diyosa at laging sinisindihan.

Sa Roma, ang diyosa ay sakop rin ng katanyagan. Doon siya ay kilala sa pangalang Vesta at sa kanyang templo ay mayroong sacred flame na inaalagaan ng mga babaeng pari na kilalang Vestals.

Ang mga babaeng ito ay kailangang manatiling dalisay at birhen. Ang mga Vestals o mga batang babaeng ito ay galing sa mga pinakatanyag na pamilya sa Roma.

Ang Diyosang Hestia ay patuloy na nagbibigay sindi sa mga dupungan at kaya’t patuloy siyang nagbibigay ng kaginhawahan at seguridad sa mga tahanan ng mga tao.

Comments

Popular posts from this blog

ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.

HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI

APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI