SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA
MEDUSA Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego . Gayunpaman, hindi siya dating halimaw. Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang kagandahan. Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit saan man sya magpunta. Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura, s i Medusa ay inosente, malinis at dalisay. Dahil hinahangaan niya ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae sa templo ni Athena. Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan para sa posisyong ito. Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at sobrang napakaganda niya kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na pumupunta lamang sa templo upang hangaan at makita ang taglay niyang ganda. Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit sa kanya dahil sa kanyang kaga