SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

 MEDUSA


Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego. Gayunpaman, hindi siya dating halimaw.

Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang kagandahan. 

Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit saan man sya magpunta. Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura, si Medusa ay inosente, malinis at dalisay. 

Dahil hinahangaan niya ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae sa templo ni Athena. 

Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan para sa posisyong ito. 

Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at sobrang napakaganda niya kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na pumupunta lamang sa templo upang hangaan at makita ang taglay niyang ganda.


Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit sa kanya dahil sa kanyang kagandahan  at dahil siya rin ang may pinakamagandang buhok sa lahat. 

Isang araw may isang mamamayan ang nangahas na sabihin na ang buhok ni Medusa ay magiging mas maganda kaysa sa buhok ng diyosa na si Athena. Bagaman nasaktan at nagalit, si Athena ay hindi naghiganti.

Gayunpaman, isang araw sa isang pampang na malapit, si Medusa ay napansin ni Poseidon, ang diyos ng Dagat at umibig ito sa napakagandang dilag. Pero tinanggihan at iniwasan lamang ni Medusa ang diyos ng dagat.

Si Poseidon ay may personal na away kay Athena kung kaya’t ang kagustuhan niyang mapasa-kanya si Medusa ay isang matinding pagkahumaling.

Dahil sa palagiang pagtanggi ni Medusa kay Poseidon, nagpasya siyang puwersahing kunin ang dalaga. Ang takot na takot na si Medusa ay tumakbo papunta sa templo ni Athena para makakuha ng proteksiyon.

Nakasunod si Poseidon at sapilitang hinawakan ang dalaga at ginahasa ito sa sahig sa harap ng rebulto ng diyosang si Athena.

Nang matapos ang karahasan, ang diyosang si Athena ay lumitaw at nagalit. Nagpasiyang bigyan ng malupit na parusa si Medusa.

Hindi magawang parusahan ni Athena si Poseidon dahil isinaalang-alang niya na ang kanyang nagawa ay likas lamang na katangian ng mga lalaki ngunit itinuturing niyang nagkasala si Medusa ng pang-aakit sa diyos ng dagat at pagdadala ng kahihiyan sa kaniyang templo.

Isinumpa ni Athena ang dalaga, ginawang ahas ang kanyang magandang buhok at mula sa araw ding iyon, ang sino mang tumingin sa kanyang mga mata ay agad na magiging bato.

Si Medusa ay hinahabol ngayon ng mga mandirigma na nagnanais ng kanyang ulo bilang isang tropeo pero silang lahat ay naging bato.

At Sa wakas ang bayani na si Perseus ay nagawang pugutin ang nilalang. Pero ang hindi nila alam ay dinadala ni Medusa ang anak nila ni Poseidon, kung kaya't sa kamatayan ni Medusa at sa pagbuhos ng dugo ay pinanganak niya sina  Chrysaor at Pegasus.

Comments

  1. Ambad ni poseidon, all this time akala ko masama ni Medusa, tas gustong gusto ko pa naman si athena simula bata ako tapos ganon pala syaa waaa ambad!

    ReplyDelete
  2. Kawawa si medusa

    ReplyDelete
  3. Anonymous21:43

    Pusanggala ka Poseidon

    ReplyDelete
  4. Anonymous17:05

    May nabasa ako sa wattpad na ganito kaso about nalang sa anak ni medusa kaso BxB not for homophobic

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous19:35

      A boar and a horse with wings.HAHA

      Delete
  5. Kinginamo Athena at Poseidon 😭😭😭

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous14:03

      gagi sakit nun kay medusaaaaaa

      Delete
  6. Sinong Author niyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous08:32

      Author nerry sa youtube

      Delete
  7. Anonymous12:31

    Athena muntnga, Poseidon tigang����

    ReplyDelete
  8. Anonymous15:55

    sino po ang author ng akda?

    ReplyDelete
  9. Anonymous14:22

    Bat nagbabasa nito mga wattpader, myth to

    ReplyDelete
  10. Anonymous20:25

    nice po

    ReplyDelete
  11. Anonymous21:47

    mga guys ano ung estilo ng pagkakasulat ng story nato?

    ReplyDelete
  12. Anonymous13:53

    Sino po author nito? Yung totoo po

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.

HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI

APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI