Posts

Showing posts from 2019

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI

Image
ERIS Si Eris ay isang diyosa na may makapaminsalang pag-uugali at dahil dito siya ay kilala bilang diyosa ng sigalot at pighati. Mayroong dalawang bersyon tungkol sa kung sino ang kanyang mga magulang. Ayon kay Hesiod, s i Eris ay anak na babae ni Nyx, ang diyosa ng gabi. Si Homer, sa kabilang banda, nagsasabi na ang diyosa ay anak na babae ng mag-asawang  sina Zeus at Hera ng Olympus. At, samakatuwid, siya ay kapatid na babae ni Ares, ang diyos ng digmaan. Ang diyosa ay nasisiyahan kapag nagkakagulo ang mga tao at mga diyos. Hindi inanyayahan si Eris sa party ng kasal ni Peleus, ama ni Achilles, kasama si Thetis, isang diyos ng dagat. Maraming mga diyos at diyosa ang naroroon. At, kahit na hindi inanyayahan, nagpasya si Eris na makidalo. Ang may pakpak na diyosa na ito ay lumipad sa mesa na kung saan ang mga diyos ay nagsasalo-salo.  Nagbagsak siya ng isang gintong mansanas na may mga sumusunod na inskripsyong, “Para sa pinakamaganda.” Si Athen

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

Image
 MEDUSA Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok  ay marahil isa sa pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego . Gayunpaman, hindi siya dating halimaw. Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto  na mga primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay  ipinanganak na may kakaibang kagandahan.  Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit saan man sya magpunta.  Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura, s i Medusa ay inosente, malinis at dalisay.  Dahil  hinahangaan niya ang diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae sa templo ni Athena.  Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan  para sa posisyong ito.  Si Medusa ay isang perpektong babaing pari  at sobrang napakaganda niya kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na pumupunta lamang sa templo  upang hangaan at makita ang taglay niyang ganda. Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at nainggit sa kanya dahil sa kanyang kaga

ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

Image
ATHENA Si Zeus na pinuno ng mga diyos   ay napaibig sa isang napakagandang titanya na si Metis, ang diyosa ng karunungan at kahinahunan.  Sinubukang iwasan ni Metis si Zeus gamit ang lahat ng kanyang makakaya.  Dahil sa mayroon siyang kapangyarihan ng metamorphosis, nagawang magbago ang diyosa bilang iba-ibang hayop para lang makawala kay Zeus. Ngunit hindi niya magawang makatakas kay Zeus kahit anong gawin niya. Sinunggaban siya ni Zeus at kinuha siya bilang kanyang asawa. Mabilis siyang nabuntis at tiyak na manganganak ng isang napakagandang diyos. Gayunpaman, may nagpaalala kay Zeus ng isang propesiya na "Kung ang magiging anak nila ni Metis ay babae ito ay magiging katuwang niya, ngunit pag ito naman ay lalaki ay maalisan siya nito ng tungkulin, katulad ng pag-alis niya ng tungkulin sa ama niyang si Cronus". Ikinatakot ni Zeus ang posibilidad na harapin ang parehong kapalaran ng kanyang ama na si Titan Cronus at sa kanyang lolo na si Uranus n