ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

ATHENA


Si Zeus na pinuno ng mga diyos  ay napaibig sa isang napakagandang titanya na si Metis, ang diyosa ng karunungan at kahinahunan. Sinubukang iwasan ni Metis si Zeus gamit ang lahat ng kanyang makakaya. 

Dahil sa mayroon siyang kapangyarihan ng metamorphosis, nagawang magbago ang diyosa bilang iba-ibang hayop para lang makawala kay Zeus. Ngunit hindi niya magawang makatakas kay Zeus kahit anong gawin niya.

Sinunggaban siya ni Zeus at kinuha siya bilang kanyang asawa. Mabilis siyang nabuntis at tiyak na manganganak ng isang napakagandang diyos.

Gayunpaman, may nagpaalala kay Zeus ng isang propesiya na "Kung ang magiging anak nila ni Metis ay babae ito ay magiging katuwang niya, ngunit pag ito naman ay lalaki ay maalisan siya nito ng tungkulin, katulad ng pag-alis niya ng tungkulin sa ama niyang si Cronus".

Ikinatakot ni Zeus ang posibilidad na harapin ang parehong kapalaran ng kanyang ama na si Titan Cronus at sa kanyang lolo na si Uranus na parehong pinatay ng kanilang mga anak gaya ng ginawa din niya sa kanyang ama.

Hiniling ni Zeus na magbago si Metis bilang isang patak ng tubig. Kaya naman ay nilamon niya ang kanyang buntis na asawa. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na manganak pa ito.

Pagkatapos lunukin ang kanyang asawa, sinimulang gamitin ni Zeus ang mga regalo ng diyosa para sa kanya. Siya ngayon ay mas matalino, patas, at mahinahong diyos.

Lumipas ang mga araw, ang makapangyarihang diyos ay nagsimulang makaramdam ng matinding pananakit ng ulo. Ang kanyang ulo ay lumaki ng lumaki. Inutos ni Zeus sa isa nyang tao na biyakin ang kanyang ulo at alisin ang sanhi ng nasabing sakit.

Si Hephaestus, ang diyos ng apoy at ng masining na mga gawaing pangmetal ay gumamit ng isang palakol upang biyakin ang ulo ni Zeus. Mula sa butas ng diyos sa ulo, lumitaw si Athena na isa ng ganap na dalaga kasama ang kanyang sandata at mga armas.

Ipinagmamalaki ni Zeus na may anak siyang isang napakaganda at pambihirang nilalang na dahil sa katalinuhan ng kanyang ina, ay magiging diyosa ng karunungan. 

Ituturing din siyang diyosa na tagapagtanggol sa mga digmaan. Samakatuwid, ang pakikipaglaban niya kay Ares, ang diyos ng digmaan ay hindi maiiwasan.

Nanatili si Metis sa tiyan ni Zeus, nang sa gayon ang propesiya ng ikalawang anak na lalaki ay hindi na matutupad.

Ipapakita ni Athena ang kanyang sarili bilang isang magiting, dalisay, at patas na diyosa.

Ituturing siyang paboritong anak na babae ni Zeus at maituturing siya bilang nararapat na tagapagmana ni Zeus.



Comments

  1. Sino ang sumulat ng kwento na ito?

    ReplyDelete
  2. Sino ang may akda??

    ReplyDelete
  3. Sino ang nag sulat nito?

    ReplyDelete
  4. sino sumulat nito paki pls lang mga lods

    ReplyDelete
    Replies
    1. just credit or share the link

      Delete
  5. Saan naganap ang pangyayari

    ReplyDelete
  6. Anonymous15:51

    ano nag lesson ng storyang ito

    ReplyDelete
  7. Anonymous15:52

    ano ang lesson ng storyang ito

    ReplyDelete
  8. Lalok uwu uwu uwu uwu uwu

    ReplyDelete
  9. Anonymous18:58

    BAT GANON LAGI TAMA ANG BABAE TAS MABILIS KARIN IWAN

    ReplyDelete
  10. Anonymous22:19

    To the moon

    ReplyDelete
  11. Anonymous13:55

    ha

    ReplyDelete
  12. Anonymous13:57

    bakit yung hugis ng muka ni medusa yung nakalagay sa shield ni athena?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous13:57

      kasi wa ka labot HAHAHAHAH

      Delete
  13. Anonymous13:37

    Ano ang banghay ng kwentong ito?

    ReplyDelete
  14. Anonymous23:26

    ano ang tagpuan nito


    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.

HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI

APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI