Posts

Showing posts from 2020

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

Image
      12 DIYOS  AT MGA PANGUNAHING BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO     Ang mga Griyego ay maraming mga diyos at maraming mga kuwento at mitolohiya na nakapaligid sa kanila.    Ang MITOLOHIYANG GRIYEGO ay koleksyon ng mga kuwento na may kinalaman ang mga diyos, diyosa, at mga bayani. Ito rin ang relihiyon ng Sinaunang Gresya pagkat ang mga Griyego ay nagtayo ng mga templo at naghandog ng mga sakripisyo sa kanilang mga pangunahing diyos.   Narito ang ilan sa mga pangunahing Greek Gods:   Ang mga Titano Ang mga Titano ang una o nakatatandang diyos. May labindalawa sa mga ito kasama ang mga magulang nina Zeus, Cronus at Rhea.   Namahala sila sa tinatawag na golden age. Napabagsak sila ng kanilang mga anak na pinangunahan ni Zeus.   Ang mga Olimpyan Ang labindalawang diyos ng Olympian ay ang pangunahing mga diyos ng mga Griyego at nanirahan sa bundok ng Olympus. Sila ang mga sumusunod: Zeus    Pinuno ng mga taga-Olympia at diyos ng langit at kidlat. Ang ka

APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS

Image
APOLLO AT ARTEMIS Galit na galit ang diyosang si Hera mula nang nalaman niya na ang diyosang si Leto ay buntis sa asawang si Zeus.  Kaya'y pinagbawalan niya si  Leto na manganak saan mang lugar sa lupa.  Hindi na alam ni Leto kung saan siya puwedeng manganak. Nagpalibu't-libo't siya ng mahabang panahon. Sobrang sumasakit na ang kanyang tiyan dahil  malapit na nga itong manganak. Naghahanap pa siya ng puwedeng panganakan hanggang sa nakita niya ang lumulutang na isla ng Delos at dahil hindi ito sa lupa, ibig sabihin hindi ito sakop ng pagbabawal ng reyna ng mga  diyos. Kaya doon ay nakapanganak din si Leto. Laking gulat niya dahil hindi lang isa kundi dalawa ang kanyang mga sanggol. Ang unang ipinanganak ay si Artemis pagkatapos ay  sumunod si Apollo.  Si Apollo ay guwapo at blond ang buhok, perpektong kawangis ng araw. Samantalang Si Artemis ay may maputlang balat at itim  na buhok. Kahawig ng buwan ang kanyang madilim na buhok. Sini

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

Image
POSEIDON Si Poseidon, ang panginoon at diyos ng karagatan ay isa sa pinakatanyag at iginagalang na diyos na Olympian.  Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno Sa pamamagitan ng loterya, ibinigay kay Poseidon ang pamamahala sa karagatan na dati ay kontrolado ng mga sinaunang diyos na sina Nereus at Oceanus. Kahit na siya ay may isang puwesto sa Olympian Council of Gods, mas  ginusto ni Poseidon manirahan sa kanyang kaharian sa karagatan. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Ang diyos ng karagatan ay mayroong kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. M ayroon siyang isang ginintuang karong pandigma na hinihila ng mga nakakamanghang mga hayop pandagat. Sa likuran niya ay may mahabang  prusisyon ng mga nilalang sa dagat at sakop din niya ang ilang diyos dito.  Siya rin ang panginoon ng mga

HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

Image
HESTIA Si Hestia, ang diyosa ng apoy at protektor ng tahanan.  Siya ay anak na babae nina Cronus at Rhea.  Si Hestia ay   hindi gaanong kilalang diyos sa  labindalawang diyos na Olympian. Noong siya’y ipinanganak, nilamon siya ng kanyang ama kasama ang kanyang mga kapatid dahil ang titanong si Cronus ay n atatakot na baka agawin nila ang kapangyarihan nito. Matapos magtagumpay ang  mga diyos ng Olympian sa labanan nila ng  mga titans, si  Hestia ay  nagsimulang sambahin bilang protektor  na diyosa ng mga tahanan. Ang diyosa  ay niligawan nina Apollo at Poseidon ngunit  tinanggihan nya silang pareho dahil mayroon siyang panata na kalinisang-puri. Binigyang karangalan ni Zeus ang diyosa at tiniyak na  maaari siyang manatiling malinis ng hanggang walang hanggan.    Si Hestia ay isang banayad at mabait na diyosa kung k aya’t hindi siya nakisali sa mga matitinding labanan ng mga diyos dahil sa kanyang karakter. Sinasamba ang diyosa ng apoy ng mga tao