APOLLO AT ARTEMIS: ANG KAPANGANAKAN NG KAMBAL NA DIYOS


APOLLO AT ARTEMIS



Galit na galit ang diyosang si Hera mula nang nalaman niya na ang diyosang si Leto ay buntis sa asawang si Zeus. 

Kaya'y pinagbawalan niya si  Leto na manganak saan mang lugar sa lupa. 

Hindi na alam ni Leto kung saan siya puwedeng manganak. Nagpalibu't-libo't siya ng mahabang panahon. Sobrang sumasakit na ang kanyang tiyan dahil  malapit na nga itong manganak.

Naghahanap pa siya ng puwedeng panganakan hanggang sa nakita niya ang lumulutang na isla ng Delos at dahil hindi ito sa lupa, ibig sabihin hindi ito sakop ng pagbabawal ng
reyna ng mga  diyos.

Kaya doon ay nakapanganak din si Leto. Laking gulat niya dahil hindi lang isa kundi dalawa ang kanyang mga sanggol.

Ang unang ipinanganak ay si Artemis pagkatapos ay  sumunod si Apollo. 

Si Apollo ay guwapo at blond ang buhok, perpektong kawangis ng araw.

Samantalang Si Artemis ay may maputlang balat at itim  na buhok. Kahawig ng buwan ang kanyang madilim na buhok. Sinisimbolo ng gabi sa paligid niya.

Nang mabalitaan ng diyosang si Hera ang tungkol sa  mga anak ni Leto ay nagalit ito. Pinadala niya ang ahas na python para patayin ang kambal.

Ang diyosang si Leto ay nagsimulang magpagala-gala sa mundo, tumatakbo palayo sa ahas.

Minsan noong sila ng kanyang mga sanggol ay nauuhaw, may natagpuan silang isang maliit na lagoon sa kanilang landas, at sa gilid may mga bastos na taga- bukid nagsisigaw at pinagbabawalan silang uminom mula dito.

Pinigilan siyang makainom, dinumihan nila ang tubig gamit ang kanilang mga paa para maging putik.

Galit na si Leto, ginawa niya silang mga palaka at sinumpang habang buhay silang iiyak sa paligid ng lagoon.

Nang lumaki na ang mga batang diyos ay binigyan sila ni Zeus ng napakamakapangyarihang arko na ginawa para sa kanila ni Hephaestus.

Laking tuwa ni Artemis sa handog ng kanyang ama dahil hilig niya talaga ang mangaso. Ito ang nais niyang gawin sa  buong buhay niya, ang maging diyosa ng pangangaso

Si Apollo gamit ang makapangyarihang arko, ang nais niya lamang ay paghihiganti sa ahas na nagpapahirap sa kanyang ina ng mahabang panahon.

Sinabihan siya ni Zeus kung saan nalalagi ang ahas. Siya'y pumunta doon para patayin ang ahas. 

Ang halimaw na ito ay nagkukubli sa isang yungib na malapit sa Mount Parnassus.

Inulukan ni Apollo ang ahas sa pinagtataguan nito. Agresibong lumabas ang python mula sa kanyang lungga at nais sakmalin ang kanyang kalaban.

Hinanap ni Apollo kung nasaan ang kahinaan ng  malaking ahas at tiwala sya sa kanyang sarili. Gamit ang tatlong pana lang, tinamaan ang mata at dibdib ng halimaw. 

Napatay niya ang ahas at sa tuktok ng bangkay nito, pinahayag ni Apollo na magtatayo ng isang sagradong templo para sa kanyang karangalan.

Ang lugar na iyon kalaunan ay kilala bilang ang "Oracle of Delphi."







Comments

Popular posts from this blog

ATHENA: ANG KWENTO NG KAPANGANAKAN NG DIYOSA NG KARUNUNGAN

SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

POSEIDON: ANG PANGINOON AT DIYOS NG KARAGATAN

HESTIA: ANG DIYOSA NG APOY AT PROTEKTOR NG TAHANAN

MITOLOHIYANG GRIYEGO AT MGA LABINDALAWANG OLYMPIANS

ACHILLES: DAKILANG MANDIRIGMA AT BAYANI NG MITOLOHIYANG GRIYEGO.

HERCULES: PINAKADAKILA SA MGA GRIYEGONG BAYANI

ERIS: ANG DIYOSA NG SIGALOT AT PIGHATI